Tuesday, January 20, 2026

SILG Remulla, tiniyak na walang magiging special treatment kay dating Senador Revilla

Sa pulong balitaan na ginanap sa Kampo Krame, sinabi ni SILG Jonvic Remulla na walang magiging special treatment kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla.

Nabatid na sumuko si Revilla kagabi sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) para sa warrant of arrest na inisyu sa kanya at sa anim na iba pa kaugnay ng P92.8 milyong ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Remulla, ang Sandiganbayan ang magdedesisyon kung saan ilalagay ang nasabing dating senador at isinumite na rin sa kanila ang mga available facilities kung kaya’t walang magiging special treatment sa nasabing dating senador.

Samantala, nasa Sandiganbayan na ang dating Senador para sa kanyang return of warrant .

Kaugnay nito, patuloy ang isinasagawang manhunt operation para sa isa pang natitirang akusado.

Facebook Comments