SILIPIN: Trailer ng pelikulang “Hello Love Goodbye” nina Kathryn at Alden

325
Image via Star Cinema/ABS-CBN website

Pinalabas na sa publiko ang trailer ng “Hello, Love, Goodbye” na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards nitong Lunes ng gabi.


Iikot ang storya sa dalawang Overseas Filipino Workers (OFW) na naka-base sa Hong Kong.

Bartender ang gagampanang papel ni Alden sa pelikula at desidido itong mapasagot si Kathryn na nagtratrabaho bilang Domestic Helper para may pantustos sa pangangailangan ng pamilya.

Kahit alam ni Alden priority ni Kathryn ang paghahanapbuhay, hindi tumigil ang binatang suyuin at mahalin ang dalaga.

Kasama din sa pelikula sila Maymay Entrata, Joross Gamboa, Kakai Bautista, Lovely Abella at Jeff Tam. Ito ang unang pagtatambal nina Kathryn at Alden sa ilalim ng Star Cinema at ng premyadong direktor na si Cathy Garcia-Molina.

Mapapanood ang “Hello, Love, Goodbye” sa mga sinehan sa Hulyo 31.

Panoorin ang kabuuang trailer:




 

 

Facebook Comments