Manila, Philippines – Bubuo ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Interior and Local Government (DILG) ng bagong programa na mas magiging epektibo para sa mga bata at pamilya na nasa lansangan .
Ayon kay DSWD Secretary Virginia Orogo, tatawagin itong ‘silungan sa barangay’ na nangailangan ng tulong ng Local Government Units (LGUs) at mamamayan sa barangay.
Kasama sa konsepto ng programa ang pagbuo ng gusali o espasyo sa bawat barangay para sa mga mare-rescue na street children.
Isasailalim sa case study ang mga street children at kapag wala nang magulang ay ilalagay sila sa centers.
Batay sa pag-aaral ng DSWD, isa sa mga dahilan pagdami ng palaboy sa lansangan ay dahil sa hindi maayos ang relasyon ng pamilya, kabuhayan at ang matinding kahirapan.
Positibo si Secretary Orogo na sa mungkahing programa, makakatulong ang ahensiya sa pagtugon sa problema ng mga street children.
Umapela na rin sa publiko ang DSWD at sa iba pang ahensiya ng pamahalaan at pribadong sektor na tulungan sila lalo na sa usapin ng maraming resources na kailangan nito.