Labis ang tuwa at saya ng batang gymnast na si Jewel Mitch Cardaño ng Region 1 matapos makamit ang Silver medal sa Overall Rhythmic Gymnastics Elementary level.
Ayon sa kaniya, isang karangalan na mairepresenta ang rehiyon sa naturang larangan.
Ibinuhos umano ni Cardoño ang lahat ng kaniyang mga pinaghirapan sa pag-eensayo upang makamit ang pwesto at patuloy pa Umano nitong pagbubutihin ang pagsasanay para sa muling pagsabak sa susunod na taon.
Naging motibasyon nito ang kaniyang coach at pamilya na buo ang suporta sa larangan na kaniyang pinasok. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









