Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang panukalang mandatoryong rehistrasyon ng sim cards sa bansa.
Sa ilalim ito ng Senate Bill 2395 o ang SIM Card Registration Act kung saan kailangan nang magprisinta ng isang valid ID kapag bumili ng sim cards, habang kailangang magrehistro ang mga mayroon na nito.
Para naman sa mga tatanggi sa kautusan, hindi sila bibigyan ng pagkakataong bumili at ide-deactivate ang kanilang sim cards.
Ang Public Telecommunication Entity (PTE) ang mangangasiwa sa panukala katuwang ang National Telecommunications Commission para sa pagtatago ng mga records.
Maliban sa SIM Card Registration Act, inaprubahan na rin ng Senado ang panukalang non-expiration ng mga legislative franchises kung pending pa ito sa Kongreso.
21 senador ang bumoto sa Senate Bill No. 1530 na layong amyendahan ang Section 18, Book 7, Chapter 3 ng Revised Administrative Code.