Manila, Philippines – Isinusulong ni Senador Sherwin Gatchalian ang panukalang sim card registration.
Layon nitong maiparehistro ang lahat ng sim card sa Pilipinas dahil nagagamit na ito sa terorismo.
Halos 120 milyon ang gumagamit ng sim sa bansa kung saan 95 porsyento nito ay prepaid.
Giit ni Gatchalian, walong doktor na kasi ang namatay sa Cagayan de Oro dahil sa bomba na may triggering device na prepaid sim cellphone.
Oras na maipasa ito bilang bagong batas ay kinakailangang maparehistro ang bawat sim sa loob ng 180 days.
Kwinestyon naman ni Philippine Chamber of Telecommunicatin Operation Chairman Eric de Los Reyes ang implementasyon ng nasabing panukala.
Aniya, dapat unahin muna ang national ID kung saan ma-iisyuhan ng tampered proof ID ang lahat ng pilipino.