Hindi na muling palalawigin ng Department of Information and Communications Technology o DICT ang deadline sa pagpaparehistro ng mga SIM.
Giit ni DICT Secretary Ivan Uy, huli ang ibinigay nilang extension dahil sa ilalim ng batas, wala na silang kapangyarihan na mag-extend pa ulit.
Kaugnay nito, nakiusap ang opisyal sa publiko na samantalahin ang karagdagang 90 araw para makapagpagrehistro ng SIM cards.
As of April 24, nasa 87,442,982 o 52.04% ng kabuuang mahigit 168 million SIM cards ang nairehistro na.
Target ng pamahalaan na mairehistro ang 70% ng kabuuang bilang ng mga subscriber hanggang sa July 25.
Facebook Comments