SIM Registration wala ng extension ayon sa NTC

Pinal na ang itinakdang deadline ng pamahalaan sa SIM Registration.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) hanggang noong July 24, 2023, ang bilang ng nairehistrong SIM Registration ay umabot sa 105.9 million.

Ang nasabing bilang ay 63.0 percent kabuuang bilang ng aktibong SIM subscribers sa bansa.


Ayon sa NTC, pasok naman ito sa target na 100 million hanggang
110 million registered SIMs.

Sa 105.9 million successful SIM Registrations, 50 million ay Smart users, 48.4 ang Globe users at 7.5 million ang Dito users.

Ayon sa NTC, hindi na palalawigin pa ang registration.

Magugunitang mula sa orihinal na April 26, 2023 deadline ay pinalawig ng 90-araw pa ang pagpaparehistro ng SIM para mabigyan ng oportunindad ang mga subscribers.

Ang mga hindi nairehistrong SIM ay deactivated na at hindi na magagamit sa mobile data services kabilang ang pag-access sa social media.

Magagamit lamang ang kanilang SIM card para sa reactivation na hanggang July 30 lamang.

Pagsapit ng July 31, lahat ng hindi nairehistrong SIM ay permanente ng made-deactivate.

Facebook Comments