Simbahan at gobyerno, patuloy pa ring magkakaroon ng dayalogo – Malacañang

Manila, Philippines – Hindi pa natatapos ang pag-uusap nina Pangulong Rodrigo Duterte at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President Archbishop Romulo Valles.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, magkakaroon ng dayalogo sa pagitan ng CBCP panel at panel ng Malacañang na kanyang kinabibilangan.

Aniya, kabilang sa pakiusap ng Pangulo sa simbahang Katolika na huwag sanang gamitin ng mga pari at obispo ang pulpito para batikusin ang kanyang administrasyon.


Aniya, nakinig lamang si Valles habang mas si Duterte ang nagsalita.

Facebook Comments