Binuksan ng Holy Family Parish ang pintuan nito upang makasilong ang abot sa 32 na pamilya na katumbas na 135 na individual matapos na bahain ang isang bahagi ng Roxas District sa Quezon City.
Kagabi, umabot hanggang lagpas-tao ang baha.
Ginamit nang evacuation site ang simbahan dahil punuan na ang gymnasium na nagsilbing evacuation site.
Inilikas sila mula sa Gumamela St., kung saan malapit ito sa sapa na umapaw na simula kagabi dahil sa pag-uulan na dulot ng Bagyong Kristine.
Agad naman na nagpadala ng food items ang QC local government unit (LGU) para ayudahan ang mga apektado ng pagbaha.
Facebook Comments