Manila, Philippines – Tiniyak ni Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na walang balak ang simbahan na patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pahayag ni Bacani ay sa gitna nang pagpuna sa mga ginagawa ng pangulo na ang layunin lamang ng simbahan ay upang magkaroon ng pagbabago sa hindi mga tamang gawi.
Ilan sa mga puna ni Bishop Bacani kay pangulong Duterte ay pabago-bagong desisyon, pagsisinungaling, pagmumura at maging ang nagaganap na pagpaslang sa mga hinihinalaang adik kaugnay na rin sa war on drugs ng gobyerno.
Iginiit ni Bishop Bacani na hindi siya kabilang sa mga nananawagang magbitiw sa tungkulin ang pangulo pero kailangan lamang aniya ay magbago ng paraan.
Una na ring inihayag ng CBCP ang pakikipagtulungan sa Administrasyong Duterte ngunit kung napupuna ang pangulo sa war on drugs ay hindi nito dapat na iturong na kaaway ang simbahan.
Giit ng CBCP hindi pagpaslang kundi pagpapanibago ng mga lulong sa bisyo ang dapat na maging kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.