Pinaalalahanan ng Simbahan ang mga mananampalataya sa mga aktibidad na gagawin kasabay ng nalalapit na Holy Week.
Ayon kay Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Permanent Committee on Public Affairs (PCPA) Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, wala pang pandemya ay sinasabi na ng simbahan sa mga mananampalataya na hindi kailangan na magpapako sa krus para lang mapatawad ang kasalanan.
Aniya, kung pagpapatawad lang naman ang kailangan, sapat na ang pangungumpisal.
Maaari naman kasi aniyang mag-penitensya pero hindi kailangang saktan ang sarili.
Sinabi rin ni Fr. Secillano na maaari ring gawin sa loob ng bahay ang nakaugalian ng Station of the Cross.
Facebook Comments