Manila, Philippines – Nag-alay ang misa at prusisyon ang Sto. Niñoparish sa Caloocan City sa mga biktima ng umano’y Extra Judicial Killings.
Pinangunahan ni BishopAntonio Tobias ang naturang misa na dinaluhan ng mga kaanak at mahal sa buhayng mga EJK victims.
Ang misa ay bahagi ng HolyEucharist Mass Action (HEMA) o mga misang ini-aalay para sa mga napapaslang sakasagsagan ng war against drugs ng Duterte administration.
Nananawagan din ito ngpaghinto sa pagpatay sa mga hinihinalang sangkot sa ilegal na droga.
Ayon kay Bishop Tobias –sanay maintindihan ng pamahalaan ang sakit at hirap na nararamdaman ng kaanakng mga biktima ng EJK.
Hindi lang aniyapaghingi ng sorry ang dapat gawin ng Duterte administration kundi dapat dintulungan ang mga naulila.
Ang Caloocan ay isa samga lugar sa kalakhang Maynila na may pinakamataas na kaso ng EJK.