Dinagsa ang Simbahan ng Quiapo sa lungsod ng Maynila ng mga deboto para sa Linggo ng Pasko ng Pagkabuhay o Easter Sunday.
Ayon sa pamunuan ng Quiapo Church, inaasahan na nila na libo-libo ang magpupunta para dumalo sa misa.
Makikita rin na wala ng social distancing at halos mapuno na ang labas ng simbahan dahil na siksikan na rin sa mismong loob nito.
Inaasahan na hanggang mamaya ay magtuloy-tuloy pa ang dating ng mga parokyano sa Minor Basilica of the Black Nazarene sa Quiapo.
Ngayong Easter ay balik na sa normal ang schedule ng mga misa sa Quiapo Church.
Para sa morning mass, nagsimula ito ng alas-singko ng madaling araw hanggang alas-onse ng umaga at magpapatuloy ito ng alas-12:15 ng tanghali, at alas-siyete naman ng gabi ang huling misa.
Facebook Comments