Muling dinagsa ng mga deboto ang simbahan ng Quiapo sa huling Biyernes ngayong buwan ng Nobyembre.
Sa kabila ng patuloy na pag-ambon, nananatili pa sa pila ang ilang deboto na karamihan ay mga nakakatanda para makapagsimba.
May ilan ding indibidwal ang isinama ang kanilang mga anak sa pagtungo sa simbahan ng Quiapo kung saan pinapayagan silang makapasok pero kinakailangan na may ipakita na kung may vaccination card ang mga magulang.
Maging ang nais makapasok sa loob ng simbahan ay kailangang magpakita ng vaccination card habang ang wala namang dala nito ay papayagan sa labas ng simbahan.
Nasa 600 ang makakapasok sa loob habang nasa 300 naman ang maaari sa labas ng Quiapo Church at bawat magsisimba ay kinakailangan pa ring magsulat ng health declaration form.
Sa dami ng nagtungo sa nasabing simbahan, pahirapan ang mga pulis, tauhan ng barangay at mga hijos del Nazareno na pairalin ang physical distancing at mga ilan na sumisingit sa pila.