Nagsanib-puwersa ang iba’t ibang grupo ng simbahan at mga boluntaryo sa St. John the Evangelist Cathedral sa Dagupan City para sa unang araw ng malawakang paglilinis ng katedral matapos pasukin ng tubig baha noong kasagsagan ng bagyo.
Sama-sama nilang nilinis ang loob at paligid ng simbahan bilang bahagi ng paghahanda sa para sa mga nalalapit na gawaing pangsimbahan at bilang pagpapakita ng diwa ng bayanihan at pananampalataya.
Ang aktibidad ay layuning mapanatiling malinis, maayos, at kaaya-aya ang dambana na itinuturing na sentro ng pananampalataya ng mga Katoliko sa Dagupan.
Plano ng pamunuan ng katedral na ipagpatuloy ang aktibidad sa mga susunod na araw upang mas mapaganda pa ang kapaligiran ng simbahan at maihanda ito para sa mga espesyal na misa at pagtitipon.
Nagpapaalala ito sa mga mananampalataya na ang paglilinis ng bahay-sambahan ay simbolo rin ng paglilinis ng puso.









