Mariing tinutulan ng mga parokyano ng St. John the Evangelist Parish sa bayan ng Infanta ang planong pagpapatayo ng nuclear power plant sa lalawigan ng Pangasinan.
Ipinahayag ng grupo ang kanilang pagtutol sa pamamagitan ng sama-samang pagpirma sa isang petisyon.
Ayon sa kanila, napakadelikado umano ng posibleng epekto ng naturang proyekto hindi lamang sa kasalukuyang henerasyon kundi maging sa mga susunod pa.
Binigyang-diin din ang pangmatagalang pinsala na maaaring idulot ng nuclear power plant sa kalikasan at kalusugan na maaari umanong hindi na maibalik sa dati.
Dahil dito, nanawagan ang grupo sa pamahalaan na gumamit na lamang ng renewable at mas ligtas na pinagkukunan ng enerhiya sa halip na nuclear power plant.
Facebook Comments










