Simbahan sa Tabuk, Nasunog!

Tabuk City, Kalinga – Nasunog ang St Joseph Parish sa Dagupan Tabuk City, Kalinga kaninang madaling araw.

Ayon sa impormasyong nakalap ng RMN Cauayan News kay news correspondent Jessie Maguiya, ang sunog ay nagsimula kaninang alas dos, nakontrol bandang 2:30 hanggang 3:00 at saka lamang nag fire out bandang 4:00 na.

Sa kanyang ulat, kaninang hatinggabi habang ginagawa ang midnight mass ay nag patay-sindi ang ilaw sa simbahan at nasunog ang fuse nito.


Niremedyuhan lamang at inirekta para lang magkakuryente ngunit nadamay pati ang pangalawang fuse.

Inayos muli ang kuryente at nilagyan ng jumper para magkaroon lang ng ilaw.

Naging maayos din ang misa ngunit bandang alas dos ng madaling araw ay nagsimula ang sunog. Pilit itong inapula ng BFP Tabuk sa pangunguna nina SFO Mark Buslig ngunit huli na ang lahat. Ang inisyal na teorya na pinmagmulan ng sunog ay ang nakalimutang tanggaling jumper sa fuse box ng simbahan.

Sa simbahan sana isasagawa ang isang mass babtism ceremony sa araw na ito ni Parish Priest Father Jayvee Bosco pero dahil sa nangyari ay sa covered court ng Saint Teresita School na ito gaganapin.

Facebook Comments