Tiwala ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na makakatulong ang simbahan para maiangat ang tiwala ng publiko sa mga bakuna.
Ayon kay CBCP Committee on Public Affairs Executive Secretary Jerome Secillano, mas mahihikayat ang mga Pilipino na magpabakuna kung tatanggapin ang alok na gawing vaccination sites ang mga simbahan.
Bukod sa vaccination sites, nag-aalok din aniya ng counseling ang ilang simbahan para sa mga nais magpabakuna.
Sa ngayon, may 4,495,375 nang nabakunahan kontra COVID-19 sa bansa kung saan 3,466,314 ang nabakunahan ng unang dose habang 1,029,061 ang nabakunahan ng ikalawang dose.
Facebook Comments