Simbahang Katolika, dumistansya sa destabilization plot laban kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Dumistansiya ngayon ang Catholic Bishop’s Conference of the Philippines sa balitang gumagawa umano sila ng destabilization plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Father Jerome Secilano, hindi daw sila gagawa ng hakbang para mapatalsik sa pwesto ang Pangulong Duterte at wala din daw silang layunin para gawin ito.

Dagdag pa ni Fr. Secillano, kanilang ikinalulungkot na anumang planong gawin ng simbahan lalo na kapag ito ay hindi naayon sa mga programa ng administrasyon ay lagi na lang daw minamasama.


Sinabi pa nito na mayroon din namang mga nagagawang maganda ang Pangulo, pero dapat din daw aminin na hindi lahat ng kaniyang nagagawa ay nasa maayos na paraan.

Nabatid kasi na magsasagawa ng month-long prayer period ang CBCP na magsisimula sa Nobyembre a-singko para sa mga biktima ng extrajudicial killings.

Facebook Comments