Simbahang Katolika, hiniling sa IATF na dagdagan ang kanilang kapasidad para sa nalalapit na Simbang Gabi

Muling nanawagan ang Simbahang Katolika sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) na dagdagan ang kanilang kapasidad para sa religious activities, lalo na at papalapit na ang Simbang Gabi.

Ayon kay Fr. Douglas Badong, Parochial Vicar ng Quiapo Church, mula sa kasalukuyang 10% ay nais nilang itaas ito sa 30%.

Aniya, mas maraming tao ang makakadalo sa Simbang Gabi at makakakinig ng misa kapag itinaas ang kanilang kapasidad.


Sinabi naman ni Manila Apostolic Bishop Broderick Pabillo, patuloy ang kanilang pakikipagnegosasyon sila sa IATF.

Bukod dito, hinihintay nila ang tugon ng lokal na pamahalaan ng Maynila sa hiling nilang paikliin ang curfew hours para mas maraming mananampalataya ang makapunta sa Simbang Gabi.

Nabatid na ipinatupad ng IATF ang 10% capacity para sa religious gatherings sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

Facebook Comments