Simbahang Katolika – Ikinalungkot Ang Mga Banat Ni Pangulong Rodrigo Duterte, Mga Ibinatong Batikos – Isa, Isang Sinagot

MANILA – Ikinalungkot ni San Beda College School of Law Dean Fr. Ranhilio Aquino ang patuloy na pagbatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa simbahang katolika.Ayon kay Aquino – imbes na batikusin, mas maganda sana kung humingi na lang ng tulong ang Pangulong Duterte sa simbahan kaugnay sa kampanya nito kontra iligal na droga, korapsyon at kriminalidad sa bansa.Kasabay nito, isa-isang sinagot ni aquino ang mga ibinabatong batikos sa simbahan katolikaBinigyan diin nito na lahat ng tao sa mundo, maging ang mga pari ay makasalanan at kahit makasalanan sila, tungkulin pa rin nila na ipalaganap ang natatanggap na balita at utos ng panginoon.Umaasa si Aquino na maiintindihan ng lahat dahil iba ang utos ng simbahan.Pinalagan din ni Aquino ang pahayag ni Duterte na natutulog ang simbahan sa mga nangyayari sa lipunan.Sinabi nito na may mga programa sila para matulungan ang mga drug offenders, mga rehabilitation centers at ampunan na pinapatakbo ng simbahang katolika.

Facebook Comments