Simbahang Katolika, nanawagan na magrosaryo ng 33 araw para sa mga biktima ng EJK

Manila, Philippines – Umapela ang Simbahang Katolika sa mga mananampalatayang Katoliko na manalangin at magdasal ng rosaryo sa loob ng 33 araw hanggang sa Disyembre 8 kaarawan ng kapistahan ng Immaculate Concepcion upang matuldukan na ang sunod-sunod na patayan sa bansa.

Ayon kay CBCP President Archbishop Socrates Villegas, bukod sa pagdarasal ng rosaryo mahalaga rin umano ang 40 araw na pagkampana sa simbahan at pagsindi ng mga kandila bilang alay sa libu-libong napatay umano sa 16 na buwang Anti-Drug Campaign ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Paliwanag ni Archbishop Villegas hindi biro ang mahigit 3,900 na ang napapatay sa sinasabi ng PNP na kaso ng “self-defense” matapos manlaban umano ang kanilang mga pinaghihinalaang drug suspek.


Giit ng Arsobispo mahalaga ang kapayapaan kaysa karahasan kayat dapat na umanong wakasan ang mga sunod-sunod na patayan na may kaugnayan sa iligal na droga.

Binigyan ng Korte Suprema ng sampung araw ang Senado at iba pang respondents para sagutin ang petisyon ni hazing suspect Arvin Balag.

Kaugnay ito ng patuloy na pagkaka-detain ni Balag sa Senado dahil sa hindi pagsagot sa katanungan ng mga senador hinggil sa pagkamatay ni hazing victim Horacio Castillo III.

Palalayain na sana ng Senado kahapon si Balag subalit dahil sa petisyon nito sa Supreme Court, nagdesisyon ang Mataas na Kapulungan na palawigin pa ang kanyang detention doon.

Una nang naghain ng petition for cerciorari sa Kataas-taasang Hukuman ang kampo ni Balag para hilingin ang pagpapalabas ng temporary restraining order sa kanyang detensyon.

Facebook Comments