Umapela sa publiko ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kasunod ng pagpayag ng Inter-Agency Task Force (IATF) na padaluhin na sa religious gatherings ang 50% ng kapasidad ng isang simbahan o sambahan partikular sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).
Ayon kay Fr. Jerome Secillano, CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary, kailangan pa ring maging maingat ng publiko dahil nananatili ang banta ng COVID-19.
Aniya, unpredictable pa rin ang virus at nananatili itong banta sa kalusugan ng bawat isa.
Una nang inanunsyo ni Presidential Spokesperson Harry Roque na epektibo sa Lunes, February 15, pinapayagan na ang religious gatherings ng hanggang 50% ng seating o venue capacity.
Ito ay mula sa kasalukuyan na 30% na kapasidad ng venue sa religious gatherings sa mga lugar na nasa GCQ, kabilang na ang Metro Manila.