SIMBAHANG KATOLIKO, MAY PANAWAGAN PARA SA MGA ONLINE SCAMMERS

Talamak pa rin ngayon ang ilang kaso ng scamming tulad ng love scams, identity theft, at ang pinakamadalas na online scamming.

Ayon sa Pangasinan Provincial Cyber Response Team, nito lamang nakaraang taon, nangunguna sa natatanggap na reklamo ay kaso ng online scamming.

Sa tala ng tanggapan, umabot sa mahigit isang daang kaso ang naisangguning reklamo ng iba’t-ibang uri ng scam dito sa lalawigan.

Kaugnay nito, nananawagan din ang Simbahang Katoliko para mismo sa mga online scammers.

Sa ibinahaging mensahe ni Archdiocese of Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, inihayag nito ang sana’y pagtigil na sa panloloko, gayong hindi mananaig ang mga masasamang gawain.

Paaalala rin sa publiko ang ibayong pag-iingat na huwag basta magtiwala, at huwag isapubliko ang mga mahahalagang personal na impormasyon.

Samatala, nauna nang iminungkahi ng National Telecommunications Commission o NTC Region 1 ang BIRD Technique o ang Block, Ignore, Report, Delete, para sa mga kahina-hinalang mga mensahe, upang makaiwas sa mga scams.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments