
Inanunsyo ng Lokal na Pamahalaan ng Maynila na kanilang isasagawa ang tradisyonal na Simbang Gabi sa Kartilya ng Katipunan ngayong taon.
Ito ay gaganapin mula Disyembre 15 hanggang Disyembre 23, 2025, tuwing alas-6:00 ng gabi, kung saan hinihikayat ang publiko na makibahagi.
Layunin ng aktibidad na bigyang-daan ang mga residente ng lungsod na maihanda ang kanilang sarili para sa pagdiriwang ng Pasko.
Inaasahang magsisilbing lugar ang Kartilya ng Katipunan para sa sama-samang pananalangin at pagninilay bilang bahagi ng paghahanda sa pagdating ng Pasko.
Mahigpit naman na seguridad ang ilalatag ng Manila Police District (MPD) upang masiguro ang kaayusan at kapayapaan sa pagdaraos ng Simbang Gabi.
Facebook Comments









