Simbang Gabi, nagsimula na

Nagsimula na kahapon ang simbang gabi bilang paghahanda sa nalalapit na Kapaskuhan.

Napuno na rin ng tao ang mga simbahan kung saan sa kasalukuyan ay nasa 70 percent na ang kapasidad na pinapayagan sa loob.

Noong nakaraang taon, halos sa online lamang nakasimba ang karamihan dahil sa mga umiiral na curfew bunsod pa rin ng banta ng COVID-19 pandemic.


Sa Manila Cathedral, nasa 380 indibidwal na fully vaccinated ang pinayagan na mas mababa kumpara sa normal na 2,000 katao sa loob ng simbahan,

Habang kanina ay pinangunahan naman ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang unang araw ng Misa de Gallo.

Samantala, maging sa roma ay nagdaraos na ng simbang gabi kung saan sa Disyembre 19 ay si Cardinal Luis Antonio Tagle na Prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples ang mangunguna sa misa sa Basilica di Santa Pudenziana.

Facebook Comments