SIMBANG GABI | PNP magpapatupad ng random inspections

Magsasagawa ng random inspections ang mga opisyal ng PNP Command group para matiyak na ipinatutupad ng mga area commanders ang nararapat na seguridad para sa Simbang Gabi.

Sinabi ito ni PNP Chief PDG Oscar Albayalde makaraang ipag-utos ang pagpapaigting ng police visibility at preventive patrol operations kaugnay sa pagsisimula ng 9 na araw ng Simbang Gabi.

Ayon sa opisyal inaasahan niya mismo ang mga field commanders na mag-iikot sa iba’t-ibang simbahan sa kanilang area of responsibility.


Ipinag-utos din ng PNP Chief sa mga regional directors na i-de-deploy ang bulto ng kanilang mga tauhan sa pagpapatrolya sa mga lugar sa paligid ng mga simbahan.

Kailangan aniyang may mga nakapwestong mga mobile na malapit sa simbahan na naka-on ang mga blinker para ramdam ang presensya ng pulis.

Kasabay nito ang aktibo ring pagbabantay ng mga pulis sa mga common street crimes sa paligid ng mga simbahan.

Inatasan din ng PNP Chief ang mga pulis na makipag-coordinate sa mga barangay units upang magsilbing force multipliers ang mga barangay tanod.

Facebook Comments