Simbang Gabi sa buong bansa, payapa —PNP; ahensya, nananatiling alerto

Walang naitalang insidente ang Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng seguridad sa Simbang Gabi sa buong bansa.

Ayon kay PNP acting Chief Police Lt. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., ay mula pa ng unang misa noong Disyembre 16 ay mahigpit na nilang binabantayan ang sitwasyon ng seguridad sa nasabing tradisyon.

Dahil dito ay pinuri ni Nartatez ang ang lahat ng police commanders at tauhan nito para sa matagumpay na pagpapatupad ng nasabing security plan.

Gayunpaman, ay inaasahan na magiging abala pa rin ang PNP sa mga aktibidad ngayong Pasko at sa pagsalubong sa Bagong Taon dahil sa taunan din ang insidente ng napuputukan dulot ng mga paputok.

Mahigit 100,000 PNP personnel naman ang idineploy para sa Ligtas Paskuhan ngayong taon, kung saan tiniyak ng ahensya ang presensya ng mga pulis sa mga lansangan at komunidad, pagbabantay sa seguridad sa mga residential at commercial areas, at iba pang mga operasyon laban sa krimen.

Facebook Comments