Tiniyak ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na tuloy ang Simbang Gabi sa Disyembre sa kabila ng patuloy na banta ng COVID-19.
Pero ayon kay CBCP Public Affairs Committee Executive Secretary Fr. Jerome Secillano, bagama’t tuloy ang Simbang Gabi sa Disyembre 16, hindi ito magiging kagaya ng dati.
Aniya, magkakaroon ng adjustment o pagbabago sa oras at mahigpit na ipatutupad ang 30% operating capacity sa mga religious gathering sa mga simbahang nasa General Community Quarantine (GCQ).
Dahil dito, plano ng simbahan na magsagawa ng mas maraming misa.
Magkakaroon din ng livestream sa social media ng Simbang Gabi para sa mga hindi makakalabas ng kanilang tahanan.
Facebook Comments