Magsisimula na ngayong araw, Disyembre 15, ang pagdaraos ng Simbang Gabi sa Capitol Plaza sa Lingayen, Pangasinan na tatagal hanggang Disyembre 24 at muling isasagawa sa Disyembre 31 kaugnay ng pagdiriwang ng Bagong Taon.
Bukas sa publiko ang mga misa, kung saan inanyayahang dumalo ang mga residente mula sa iba’t ibang bahagi ng lalawigan upang makiisa sa tradisyong panrelihiyon tuwing Kapaskuhan.
Ayon sa pamahalaang panlalawigan, layunin ng aktibidad na magsilbing pagkakataon para sa sama-samang pagninilay at pagpapatibay ng ugnayan ng komunidad sa panahon ng Pasko.
Inaasahan ang pagdagsa ng maraming mananampalataya sa mga itinakdang misa bilang bahagi ng taunang tradisyon at paggunita sa diwa ng kapaskuhan sa lalawigan ng Pangasinan.
Facebook Comments










