SIMBANG GABI SA PANGASINAN CAPITOL, SINIMULAN NA

Sinimulan na kagabi, December 15, 2025, ang unang misa para sa “Aligando: The Capitol Simbang Gabi” sa Capitol Plaza sa Lingayen Pangasinan.

Pinangunahan ang misa ni Most Rev. Napoleon B. Sipalay Jr. at inaasahang magpapatuloy ang serye ng mga misa hanggang December 23.

Kasabay nito ang pagsasagawa rin ng simbang gabi sa iba pang bayan at lungsod sa lalawigan.

Magkakaroon naman ng Christmas Eve mass sa December 24 at New Year’s Eve mass sa December 31, 2025.

Nitong December 12 ay binuksan ang mga pailaw sa kapitolyo bilang bahagi ng selebrasyon ng kapaskuhan, na naglalayong itaguyod ang pananampalataya at pagkakaisa ng mga Pangasinense.

Facebook Comments