SIMOY NG HANGIN | Klima sa Baguio at Benguet, patuloy na lumalamig

Benguet, Philippines – Patuloy ang paglamig ng klima sa lungsod ng Baguio at sa lalawigan ng Benguet.

Ayon sa PAGASA – pumalo na sa 12.8 hanggang 22.0 degrees celsius (°c) ang temperatura ngayong araw sa Baguio City.

Ito ay mas mababa kumpara sa 15.4 degrees celsius na naitala kahapon.


Nitong December 16 ay naitala ang 11.5 (°c) na pinakamababang temperatura sa lungsod ngayong buwan.

Una nang naitala ang pinakamababang temperatura sa lungsod noong January 18, 1961 na aabot sa 6.3 degrees celsius.

Facebook Comments