Simpatya ng publiko, hindi deserve ng mga “Nepo Babies”

Iginit ni House Assistant Minority Leader at Kabataan Party-list Representative Renee Louise Co na hindi karapat-dapat sa simpatya ng publiko ang mga itinuturing na ‘Nepo Babies’ na umaani ngayon ng krisitismo at batikos.

Para kay Co, mas dapat kaawaan ang mga tunay na iskolar ng bayan na nagtitiis sa bulok na classroom at mga bayarin habang nagpasasa sa maluhong buhay ang anak ng mga contratista at mga pulitiko.

Diin ni Co, valid ang galit ng taumbayan dahil mali ang magnakaw at hindi dapat makalusot ang president ng corrupt kids club mismo, si Marcos Jr.

Ayon kay Co, isa lang ang valid choice ng mga anak ng korap at yan ay ang maging traydor sa sariling uri at pamilya habang ang anak naman ng 99% na naghihirap na Pilipino ay dapat magkaisa, mag-organisa at magprotesta para singilin ang mga tiwali.

Facebook Comments