SIMPLE AT PRIBADO | Mike Tan, ikinasal na sa non-showbiz girlfriend

242

Manila, Philippines – Kinumpirma na ng aktor na si Mike Tan na happily married na siya sa kanyang non-showbiz girlfriend noong January 22, 2018.

Kwento ni Tan, sinadya raw talaga nila na gawing pribado ang kasal lalo’t umpisa pa lang naman aniya ng kanilang relasyon ay sinikap na nila itong ilayo sa showbiz.

Mismong ang misis niya raw ang may gusto na gawing simple lang ang kasal at ayaw niya na may camera, maliban sa cameraman na kumuha sa litrato ng kasal.

Kaya nga raw thankful siya dahil walang bisita ang nag-post on line sa kanilang mga wedding photo.

Aminado naman ang aktor na medyo nanghihinayang siya dahil isang linggo bago ang kasal lang nila nabigyan ng imbitasyon ang mga malalapit na kaibigan sa showbiz kaya naman isa lang ang nakadalo.

Facebook Comments