SIMPLE LANG | Secretary Salvador Panelo, magiging simple na lamang sa kanyang pananamit sa mga press briefing sa Malacañang

Manila, Philippines – Inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo na iiwasan na niyang magsuot ng mga glamorosong kasuotan sa mga press briefing sa MalacaƱang.

Paliwanag ni Panelo, tulad ng isang abogado na humaharap sa isang korte ay kailangan din niyang magsuot ng naaayong damit.

Pero kahit sinabi nito na magiging pormal at naaayon ang kanyang magiging pananamit sa mga gagawing Press briefing sa MalacaƱang ay magsusuot parin naman aniya siya ng mga gusto niyang porma kung walang trabaho o tuwing weekends.


Matatandaan na makailang beses nang pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paraan ng pananamit ni Panelo kung saan inilarawan niya itong mayroong sartorial elegance o magarang pananamit at ang Fashionista sa kanyang Gabinete.

Facebook Comments