SIMPLE MISCONDUCT | Vice Mayor at 12 councilors ng Iligan, sinuspinde ng DILG

Manila, Philippines – Sinuspindi ng Department of Interior and Local Government (DILG) si Iligan Vice Mayor Jemar Vera Cruz at labing dalawang councilors ng lungsod.

Ito ay dahil sa kaso ng simple misconduct matapos na pirmahan ang mga dokumento habang nasa kulungan si Mayor Celso Regencia.

Isang buwan ang ipinataw na suspensyon ng DILG kung saan wala din itong kaukulang sweldo.


Mananatili naman bakante ang posisyon ng pagka-Vice Mayor ng Iligan hanggang sa matapos ang suspensiyon.

Facebook Comments