SIMPLE NGUNIT MAKABULUHANG FILING OF CANDIDACY, HILING NG PANGASINAN POLICE PROVINCIAL OFFICE SA MGA KANDIDATO

Pinaalala ng Pangasinan Police Provincial Office sa mga kandidato na maghahain ng kandidatura na gawing simple ngunit makabuluhan ang paghahain nito.

Ito ay kasabay ng pakikipag ugnayan ng Pang PPO sa COMELEC Pangasinan upang talakayin ang mga magiging hakbang para sa natitirang araw ng voter registration at ang filing ng Certificate of Candidacy (COC).

Sinabi ni Pangasinan Police Provincial Director na si PCol Ronald Gayo Provincial Director na sa mga nais maghain ng kanilang kandidatura na bawasan ang mga taong isasama sa araw ng filing.


Dapat lang aniya na simplehan ng mga ito upang maiwasan ang malakihang pagtitipon gayong ipinagbabawal pa rin ang pagtitipon alinsunod sa nakapatupad na health and safety protocols.

Facebook Comments