SIMPLENG GANDA | Juday, hindi pinalampas ang basher sa mismong birthday niya

Manila, Philippines – Hindi pinalampas ng kaka-40th birthday lang na aktres na si Judy Ann Santos ang isang basher.

Sa ipinost kasing picture ng kapamilya tv host-actress, kahapon sa mismong birthday nito makikitang may hawak na tasa ng taho si Juday at mukang bagong gising lang dahil walang makeup.

Dito na nagkomento ang isang netizen at sinabing: “you know you are not a star when you have no make up.” at “go to the bathroom fix yourself.”


Magalang naman itong sinagot ito ni Juday at sinabing hindi rin naman siya nag-mi-make up nang sobra kapag nagtatrabaho kaya kapag nasa bahay siya ay mas lalong wala siyang make up.

Inulan naman ng suporta mula sa kanyang fans ang naging sagot nito at binash rin ang naturang netizen.

Facebook Comments