
Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa na panatilihing simple at matipid ang mga seremonya sa pagtatapos ng school year.
Sa harap ito ng sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng petrolyo.
Sa ilalim ng Memorandum No. 015 series of 2026, mahigpit na ipinagbabawal ang anumang uri ng paniningil ng bayad para sa naturang mga seremonya.
Pinaalalahanan din ang mga school head na ang pakikilahok ng isang mag-aaral sa graduation ay hindi dapat nakadepende sa pagbabayad ng anumang kontribusyon.
Hinihikayat din ang mga paaralan na gamitin ang mga simple at libreng venue gaya ng school grounds o covered courts upang makaiwas sa mahal na renta.
Nilinaw din ng DepEd na ang mga non-academic activities, gaya ng field trips at prom nights, ay hindi dapat gawing requirement para sa graduation.










