Ipinag-utos ng lokal na pamahalaan ng Naguilian, La Union ang simple ngunit makahulugang pagdaos ng anumang aktibidad at pagtitipon bilang pagsaalang-alang sa patuloy na pagbangon mula sa Super Typhoon Uwan.
Alinsunod din umano ito sa mga polisiyang nakasaad para sa angkop na paggamit ng pondo para sa mga selebrasyon at pagtitipon sa mga opisina ng gobyerno base sa circular mula Department of Budget and Management.
Sa ilalim ng kautusan, inaatasan ang mga departamento sa barangay, munisipyo, panlalawigan,pambansang pamahalaan, state universities, pribadong institusyon sa Naguilian na umiwas sa magarbong pagtitipon mula November 13, 2025 hanggang January 15,2026 at tiyakin na walang pondo ng gobyerno ang gagamitin sa anumang aktibidad na walang kinalaman sa recovery operations.
Hinihikayat naman ang outreach att feeding programs sa mga binagyong lugar bilang kapalit ng mga magarbong pagtitipon.
Inatasan din ang ibang opisina ng munisipyo upang bantayan ang pagpapatupad ng ordinansa kabilang pa ang mandatoryong pagsusumite ng Post-Activity Report, litrato, attendance at buod ng gastusin ng mga aktibidad sa bawat opisina.
Epektibo ang kautusan hanggang Enero 15,2026. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









