Dagupan City – Kahapon, January 29, 2018 ay pormal ng inumpisahan ang 3rd Children’s Summit na sumisentro sa Journalism. Dinaluhan ito ng mga top students na may interest sa pagsusulat at pagbabalita na mula sa iba’t ibang eskwelahan sa lungsod. Ang nasabing summit ay may temang “Empowering the millennial for nation building through campus journalism”. Layunin nito na mas paunlarin at palawakin pa ang kaalaman ng mga estudyanteng may interes sa larangan ng journalism.
Ngayong araw, gaganapin any iba’t ibang seminar and workshop para sa Editorial Cartooning, Photojournalism, Radio Script Writing and Broadcasting na dadaluhan ng mga batikan at kilalang mga personalidad sa news and broadcasting industry.
Para naman sa huling araw ng summit sa January 31, 2018 magkakaroon ng seminar at workshop para sa Collaborative Desktop Publishing na pangungunahan ni Mr. Aristotle Liwanag at si Mr. Al Mendoza naman sa Sports Writing.
Ang summit ay proyekto na pinangungunahan ng Department of Education at lokal na gobyerno ng Dagupan.