Simula ngayong araw (July 23) – pagyo-yosi sa mga pampublikong lugar sa buong bansa, bawal na!

Manila, Philippines – Epektibo na simula ngayong araw ang Nationwide Smoking Ban sa lahat ng mga pampublikong lugar.

Ayon kay Department of Health Asec. Eric Tayag – kahit sa loob ng sasakyan, nakatigil man o umaandar, bawal manigarilyo.

Para naman sa mga maglalagay ng smoking area sa mga establisyimento, dapat ay may buffer zone kung open space at may enclosed structure naman kung sa labas ng gusali.


Aniya, kahit sa rooftop ay hindi pwedeng mag-yosi.

Pinatatanggal din ng DOH ang mga ash tray sa mga lugar na bawal at pinagpapaskil ng karatulang “No Smoking”.

Babala ni Tayag, ipasasara nila ang establisyimentong lalabag sa batas.

Pinayuhan naman nito ang publiko na agad ipagbigay-alam sakaling may makita silang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.

Maaaring magsumbong sa mga pulis o Local Government Units o tumawag sa numerong (02) 711 – 1002.

Ang sinumang lalabas ay pagmumultahin ng P500 hanggang P10,000.

Facebook Comments