Simula sa Linggo, sapilitang pagsusuot ng high heels sa mga empleyado, bawal na!

Manila, Philippines – Simula sa linggo, September 24 hindi na papayagan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang sapilitang pagpapasusuot sa mga kababaihan ng high- heels sa kanilang trabaho.

Sa nilagdaang Department Order no. 178 ni DOLE Sec. Silvestre Bello III.

Nakasaad din na dapat magbigay ang employer ng lima hanggang 15 minutong pahinga sa mga empleyado nilang naka-takong at laging nakatayo sa trabaho.


Ayon kay Bello, babantayan nila ang lahat ng mga establisyimento para masigurong sumusunod ang mga ito sa kanilang kautusan.

Facebook Comments