Simulation ng E911 services, isasagawa ng DILG sa Kampo Krame

Magkakaroon ng simulation ng E911 Services ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police (PNP) Command Center, Camp Crame, ngayong araw.

Pangungunahan ang aktibidad ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr., kasama si PNP Chief PGen. Rommel Marbil at iba pang key officials ng DILG at PNP.

Ang E911 hotline ay isang DILG-run security and development program na tumutugon sa anumang emergency o distress calls.


Ilan sa mga nirerespondehan sa E911 hotline ay police assistance, fire reports, emergency medical assistance, search and rescue at iba pa.

Noong Mayo ang Morong, Rizal ay isa sa kauna-unahang local government unit sa Pilipinas at una sa Southeast Asia, na nagtatag ng world-class, state-of-the-art emergency response center na mayruong Next Generation 911 System na ginagamit sa Estados Unidos na layong mabigyan ng efficient at effective emergency response services ang kanilang nasasakupan na balak ipatupad ngayon sa buong bansa.

Matatandaang sa ilalim ng nilagdaang Executive Order No. 56 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nakasaad ang pagtatatag ng E911 bilang pambansang sentro ng pagtanggap ng tawag na tumutugon sa pandaigdigang pamantayan para sa emergency hotline number.

Facebook Comments