Quezon City – Nagsagawa kanina ng simulation ng klase ang Corazon Aquino Elementary School sa Barangay Batasa, Quezon City.
Kuntodo bantay pa ng kanilang nanay ang mga kinder na pumasok kanina para sa dalawang oras na klase.
Nakibahagi rin ang mga estudyante hanggang Grade 6.
Ayon kay OIC principal Patrocinia Tiongson, sa simulation exercise ay magkaklase na agad ng dalawang oras.
Layunin nito na maihanda ang mga nasa kinder hanggang Grade 6 para sa isang regular na klase sa school opening sa Lunes, June 3.
Ang President Corazon Aquino Elementary School ay isa sa may pinakamalaking populasyon.
Noong nakaraang school year ay naitala sa 8,200 ang mga enrollees nito.
Ngayong school year 2019-2020, pumalo na sa walong libo ang nakapag-enroll sa nasabing eskwelahan at posibleng tumaas pa hanggang 8,400.
Nagpapatuloy pa kasi ang pagtanggap ng mga enrollees.
Wala namang nakikitang problema si Tiongson hindi katulad ng palagiang problema sa pagbubukas ng klase.
Mayroong 89 na classrooms na hinati sa dalawa ang President Corazon Aquino Elementary School.
Nasa 215 naman ang teaching staff para sa 1 is to 40,45 teacher- student ratio.