Simulation sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19, isinagawa na sa pamahalaang lungsod ng San Juan

Nagsagawa na ng simulation activity ang pamahalaang lungsod ng San Juan kaugnay sa pagbibigay ng bakuna kontra COVID-19.

Ginawa ang nasabing aktibidad sa San Juan Gym kung saan magsisilbi rin ito bilang vaccination center at storage facility ng lungsod.

Ayon kay San Juan City Mayor Francisco Zamora, sa ginawang simulation ngayong umaga malalaman nila kung ano dapat baguhin, ayusin at i-improve sa proseso ng pagbibigay ng bakuna.


Aniya, ito rin ay para masanay ang mga medical workers sa magiging takbo kung sakaling may bakuna na.

Sa ngayon aniya ay nasa mahigit 15,000 ang nagrehistro na sa kanilang COVID-19 vaccination program.

Sinabi rin ng alkalde na ang nasabing aktibidad ay hudyat na handa ang lungsod na magbigay ng COVID-19 sa mga residente nito.

Facebook Comments