Simultaneous activation ng libreng Wi-Fi sa limang lalawigan sa bansa, isinagawa na ng DICT

Sabay-sabay nang pinangunahan ngayong araw ng Department of Information and Communication Technology (DICT) at United Nation Development Program (UNDP) ang proyektong libreng Wi-Fi sa limang lalawigan sa bansa.

Kabilang sa mga lugar na ito na magkakaroon na ng access sa libreng internet connectivity ay ang lalawigan ng Albay, Isabela, Lanao Del Sur, Palawan at Davao City.

Ang mga pinaganang internet connectivity ay bahagi sa 3,000 sites sa unang phase na inaasahang ganap na makumpleto sa buwan ng Hunyo para sa inisyal na 11 lalawigan.


Sa kabuuan, may anim na libong lugar sa buong bansa ang paglalagyan ng free Wi-Fi sa pamamgitan ng partnership ng DICT at UNDP.

Pero target ng DICT na paramihin pa ng hanggang 100 libo ang free Wi-Fi sites na ikakalat sa iba’t-ibang  liblib na lugar sa bansa.

Aniya, malaki ang maitutulong ng proyekto hindi lamang sa mga magaaral kung ‘di pati na sa pagnenegosyo ng publiko.

Facebook Comments