Simultaneous disinfection at random COVID-19 testing, inirekomenda ng isang mambabatas

Nanawagan si Negros Oriental Rep. Arnie Teves ng mala-Earth Hour na hakbang bilang paraan ng pagtugon sa problema sa COVID-19.

Ito’y sa pamamagitan ng simultaneous disinfection sa buong bansa.

Sinabi ni Teves na maaaring itakda ng Pangulo o ng Department of Health ang oras at araw kung kailan gagawin ang sabayang disinfection.


Iminungkahi rin nito ang random COVID-19 testing kung hindi kakayanin ang maramihang pagsusuri.

Ayon sa Kongresista, pwedeng gawin ang random testing sa matatao at mahihirap na lugar sa bansa dahil mas malaki ang tsansang kumalat sa kanilang pamayanan ang sakit nang hindi namamalayan.

Dapat na gawin ang random testing sa mahirap na komunidad dahil karaniwan na mas pipiliin ng mga mahihirap na pamilya ang bumili ng pagkain kaysa magpasuri ng kalusugan.

Facebook Comments