Simultaneous inspection sa mga bodega, patuloy na isasagawa para maresolba ang artipisyal na krisis sa asukal ayon sa Malakanyang

Hindi titigil ang gobyerno sa operasyon laban sa mga sindikato ng hoarding at illegal importation.

Ito ang sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz Angeles sa press briefing sa Malakanyang.

Sa katunayan, ayon sa kalihim ay simultaneous inspections na ang ginagawa ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa mga bodega sa iba’t ibang lugar sa bansa para matukoy kung totoong may kakulangan sa supply ng asukal o itinatago lamang sa mga bodega.


Kahapon aniya, sa pamamagitan ng visitorial power ay sabay-sabay ang ginawang inspeksyon ng mga tauhan ng BOC sa mga bodega sa Caloocan, Balut, Tondo, San Nicolas sa Manila, Rosales, Pangasinan, San Fernando, Pampanga, Ibaan, Batangas at Davao.

Wala pang detalye ang Malakanyang sa mga ginawang inspection sa mga bodega kahapon.

Facebook Comments